Saturday, April 20, 2019

Tom Rodriguez sinusundan at madalas makakita ng engkanto


Kwento ni Tom Rodriguez habang ini-interview siya ng aming source, ag-drawing pa raw ito kung paano ang blocking nang maka­kita raw siya ng anino noong kabataan niya. asa malaking Spanish house sila nakatira sa Subic, after nang sumabog ang Pinatubo.

Kahit noong nasa Samar pa raw siya ay para daw siyang madalas sinusundan ng anino. Kinuwento raw niya ito kay Roy Alvarez na sinasabing may third eye.

Ang masnakaka-mangha pa ay hindi lang pala si Tom ang nakakaramdam at nakakakita ng engkanto pati pala mga kapatid niya ay nakikita rin daw. Sabi naman ni Roy ay engkanto raw ang nakikita niyang anino.

Matatandaang madami na rin ang nagawang horror film ni Tom at kwento pa niya sa aming source ay sa dami nila siya lang daw ang may nakikita at nararamdaman.

May bago rin palang pelikula si Tom na pinamagatang “Maledicto” na showing na sa May 1. Unang pelikula rin ito na prinodyus ng FOX Original Production na co-produced din ng Cignal at Unitel.

Dahil pala sa mga karanasan ni Tom na nakakakita ng mga hindi nakikita ng mga normal na tao ay pati ang kanyang girlfriend na si Carla Abellana ay binigyan pa ito ng bracelet charms.

Ang role pala ni Tom sa bago niyang pelikula na "Maledicto" ay isang pari. pero siya raw ang klase ng pari na lahat naniniwalang may scientific reasoning kaya nagka-clash sila ni Jasmine Curtis Smith na isang madre at very religious ang belief.

Tinanggap ni Tom ang pelikula para gumanap na pari dahil hindi naman daw siya takot at sanay na sa mga ganitong pelikula at sanay sa mga nakikita at nararamdaman niya.

“Hindi naman, usually I take myself out of that. Hindi rin ako matatakutin.” Kaya pala mahilig mag-sketch si Tom ng mga ganitong klaseng sketch:



A post shared by Tom Rodriguez (@akosimangtomas) on

Loading...

0 comments:

Post a Comment