Tuesday, April 2, 2019

Maymay halos magwala sa tuwa nung nakitang nanonood si Liza Soberano ng kanyang livestream sa Instagram


Kamakaylan lang nag-live si Maymay Entrata sa kanyang instagram account habang sarap na sarap sa kinakain niyang isaw nang biglang nanood si Liza Soberano.

Kita sa bidyong ito kung gaano kasaya si Maymay noong nanood sa kanyang livestream ang kapwa actress niya na si Liza Soberano.

Halos magwala siya sa sobrang tuwa nung puriin pa siya ni Liza, "Hello, Miss Liza! I Love you Miss Liza! Oh my God! Nabuang na day nabuang na day!" batid ni Maymay sakanyang mga kasama.

Maraming natuwa sa kanyang reaksyon dahil sa lubos niyang kasayahan noong araw na iyon, base sa ibang kumento sa nag-post nito sa Facebook na talagang hindi nagbabago si Maymay dahil sa kanyang humble reaction.

Silipin ang nakakatuwa niyang reaksyon habang kumakain ng isaw!


Loading...

0 comments:

Post a Comment