Natapos na ang huling karera para sa ilang beses tinanghal na Marathon King at isa sa miyembro ng pambansang koponan na si Rafael Poliquit, Jr.
Sinabi ni Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) president Philip Ella Juico na binawian na ng buhay ganap na 2:21, Huwebes nang hapon, ang 27-anyos mula Davao City na si Poliquit, Jr. matapos maratay ng mahigit dalawang linggo dahil sa pambihirang karamdaman.
Offered him a mass last night at Sto. Domingo Church hoping that we can hold on to him at kakayanin pa niya na ma-overcome ang nararamdaman,” sabi lamang ni Juico. “We already informed his family and we are waiting for them about their plan on Poli,” sabi pa ni Juico.
“Gusto namin mai-share ang kanyang mga achievement sa pamilya and maybe come out with something for them. Medyo minamalas talaga tayo kasi last time nasaktan si EJ (Obiena) bago mag-SEA Games at ngayon naman eh namatayan tayo,” sabi pa ni Juico.
Si Poliquit, Jr., na ilang beses na tinanghal na MILO Marathon champion, ay ilang linggo nang nakaratay sa V. Luna Hospital dahil sa iniulat na pagkakaroon ng mapanganib na virus o bacteria sa kanyang katawan.
Loading...
0 comments:
Post a Comment