Wednesday, April 17, 2019

Lolo na tindero ng saging, umani ng papuri dahil sa kasipagan


Nag-viral ang larawana ng isang lolo na nagtitinda ng saging sa bangketa. Makikitang nakatulog na ito marahil sa sobrang pagod sa pagtitinda.

Umani ng iba't ibang reaksyon ang larawan na ito ng matanda habang ang ilan ay nais pang magpaabot ng tulong sa matanda

Viral ngayon ang larawan ng isang matandang lalaki na nagtitinda umano ng saging sa bangketa. Sa post na binahagi ng netizen na si Jeff Garcia, makikita ang lolo na tila napagod na sa pagtitinda at nakatulog na sa kanyang pwesto.

May caption na "Nakakahiya naman dun sa iba na puro reklamo na lang. Ginawa pang rason ang kahirapan para gumawa ng mga iligal na gawain. Samantalang si tatay kahit mahina na ang katawan, nagsusumikap pa rin para mabuhay, huwag lang mamalimos.God bless you tatay," ang naturang post.

Totoo nga naman sapagkat isa si lolo sa mga taong nagsusumikap pa rin na maghanapbuhay upang di maging pabigat sa kanyang pamilya. Dahil sa angking kasipagan ni lolo, umani ito ng papuri habang ang ilan ay nais pang magpabatid ng tulong para sa kanya.

Sa ngayon, umabot na sa 41,000 na reaksyon, 4,500 na komento at 68,000 shares ang naturang post.


Loading...

0 comments:

Post a Comment