Kamakailan lang, may isang lolo na tindero ng saging na nag-viral dahil sa nangyaring 'di kanais-nais kaya't may nag-post sa kaniya sa social media.
May nagbayad kase kay lolo ng pekeng isang libo (1,000) habang pagod na pagod siyang nagtitinda sa initan lamang kasama ang kaniyang asawa.
Agad itong nag-viral dahil sa nakakaawang nangyari sa matanda, maraming netizens ang nag-kumento na kung saan ay puro awa ang nararamdaman dahil nga sa sinapit ni lolo.
Ngunit ang magandang balita, may mga netizens ang nagbigay kay tatay ng pera kapalit ng 1,000 na naloko sakaniya.
Kahit gaano karami talaga ang masasamang tao, meron pa ring mabubuting tao gaya ng mga taong tumulong kay lolo dahil alam nila ang pangangailangan nito.
Totoo nga ang kasabihan na kapag may nawala sa'yo mas malaki ang babalik sa'yo lalo na't pinag-hirapan mo ito.
Loading...
0 comments:
Post a Comment