Thursday, April 11, 2019

Lalaking nadala ang kinakainang plato palabas sa mall na nasusunog, nag-viral!


Viral ngayon ang larawan ng lalaking nadala palabas ang platong kinakainan palabas ng mall na nasusunog.

Kita pa sa plato nito ang kanin at manok na kinakain ng lalaki at nakuha pa nitong mag-pose sa camera. Umani ito ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens.

Sa post ng netizen na si Joshua Jamez, makikita ang larawan ng nasusunog na mall kahapon, Abril 10 dahil sa itim na usok na nagmumula rito.

Kasama sa post ang larawan nilang magkakaibigan at ilang mall goers na mula sa loob at nagsilabasan upang makaligtas.

Ngunit, ang kapansin-pansin dito ay ang dalang plato ng lalaki na may ulam at kanin pa. nag kakatwa pa rito, naka-kamay pa siya. "Food is life" nga raw ayon sa post ni Joshua at marahil sa pagmamadaling makaalis sa mall, nadala nito ang kinakainang plato.

Samantala, halo halong reaksyon ang binahagi ng netizens. Habang ang ilan ay biglang nag-alala dahil sa sunog, ang iba naman ay natawa na lamang sa nagawa ng lalaki.

Nai-ulat sa Inquirer na bandang 4:17 na ng hapon nang tumawag ng bumbero ang lugar at agad naman itong rumesponde. Bandang 4:40 ng hapon ay tuluyan nang nawala ang apoy. Wala namang nai-ulat na nasaktan o nasawi sa nangyareng insidente.


Loading...

0 comments:

Post a Comment