Wednesday, April 17, 2019

Lalaking inatake ng inaalagaang baboy, di na umabot na buhay sa ospital


Di na umabot na buhay ang isang caretaker nang atakihin ito ng inaalagaang baboy. Kumukuha lamang umano ng tubig ang 58 anyos na lalaki nang bigla na lamang itong atakihin ng baboy.Nakita na lamang nilang nakaupo ang lalaki na duguan at wala na palang buhay 

Dead on arrival na ang lalaking nakilalang si Tanny Baladjay ng barangay Progreso Weste sa Odiongan, Romblon nang bigla itong atakihin ng inaalagaan baboy. 

Ayon sa ulat ng GMA news na sinulat ni Paul Jaysent Fos, nakita pa umano ng kanyang pamangkin na si Jondel Baladjay ang 58 anyos na tiyuhin na kumukuha lamang ng tubig. 

Di nagtagal, inatake na raw ito ng lalaking baboy na tinatawag nilang 'Turo'. 

Tinangka pa umanong tumakas at tumakbo ng lalaki ngunit bumagsak ito dahilan para malapa ng baboy ang kanyang likuran at binti. "Narinig ko sila na tinatawag nila ang pangalan ko, sabi 'Si Tatay!' Tumayo ako sa kinatatayuan ko. 

Nakita ko si Tatay na nakaupo sa may puno ng niyog tapos pagtayo niya madami ng dugo na lumalabas sa paa niya," kwento ni Jondel.


Loading...

0 comments:

Post a Comment