Monday, April 8, 2019

Lalakeng ayaw magbayad matapos magawa na ang kanyang cellphone na sira dahil daw wala pang sampung segundo gawa na ito

Screenshots from Jonjon Razote
Viral ngayon sa social media ang lalakeng ito matapos magpagawa ng cellphone sa isang technician at nung matapos na ang kanyang pinagawa hindi niya binayaran.

Base kase sa customer, wala pa raw sampung segundo ang pag-gawa sa kanyang cellphone kaya't hindi raw niya babayaran ito ng 300 na napagsunduan nila nung gumawa.

Maraming netizens ang nagalit sa lalakeng customer dahil sa 'pag i-iskandalo nito sa maraming tao na kung saan sinasabi niya na hindi raw niya babayaran ang singil ng technician sa halagang 300.

Dahil naman sa pagiging mahinahon at pagintindi ng technician na hindi niya sinabayan ang galit ng kanyang kliyente, marami ang mas lalong bumilib sa technician sa kabila ng 'pag i-iskandalo ng kanyang customer sakanya.

Base naman sa ibang kumento sa mismong post ng bidyong ito, maaaring modus daw ito ng lalake dahil wala lamang itong pambayad

Silipin ang orihinal na post upang makita ang buong nangyari!


Loading...

0 comments:

Post a Comment