Monday, April 29, 2019

Kris Aquino, nakiusap na tigilan na ang pagtawag kay Gretchen ng "Kabet"


Sa kabila ng patuloy na pagsawsaw at pag-epal ni Gretchen Barretto sa kontrobersyang kinasasangkutan ni Kris Aquino at ng magkapatid na Nicko at Jesus Falcis ay hindi pa rin siya pinapatulan ng Social Media Queen.

Lantaran ang pagsuporta at pagkampi ni Greta kay Nicko nang sampahan ito ni Kris ng kaso dahil sa umano’y paggamit nito ng pondo ng KCA Productions nang walang paalam. Kung anu-anong masasakit na salita ang i-binato niya kay Kris pero ni minsan ay hindi siya niresbakan ng TV host-actress.

Sa isang Instagram post ni Kris, may netizen ang nag-comment at nang-away kay Gretchen. Tinawag niya itong kabit at sinabihang tumigil na sa kakasawsaw sa isyu nina Kris at Nicko.

“May that mistress finally stay off your legal issues and mind her own personal business! She’s annoying and should not make comments at all!” matapang na pahayag ng netizen.

Sinagot ito ni Kris at nakiusap na tigilan na ang pagtawag kay Greta ng kabit at nirerespeto pa rin niya ang pagiging partner nito ng pinsan niyang si Tonyboy Cojuangco.
“Pwedeng mag lecture ng konti? Granted she may hate me- but don’t you think the two facing cri-minal charges are amplifying her in order to distract people’s anger from them?” unang mensahe ni Kris.

“Why do you think hindi ako pumapatol sa kanya? Dahil hindi niya ninakawan ang mga anak ko. And please stop calling her a mistress – at the end of the day, her daughter’s father is still my second cousin.

“His dad & my mom are 1st cousins. His lolo and my lolo are brothers. So dedma na lang sa rants because I love my mom & mom always had a soft spot for Tonyboy.
“So please follow my example. Para na lang sa memory ng mom ko,” pahayag pa ng mommy nina Joshua at Bimby.

Bago mag-weekend i-binalita ni Kris na na-dismiss na ang kasong grave threat na isinampa sa kanya ni Nicko Falcis. A-yon sa desisyon ng korte walang sapat na ebidensyang naisumite ang kampo nina Nicko para patunayang pinagbantaan nga ni Kris ang kanyang buhay.




Loading...

0 comments:

Post a Comment