Wednesday, April 17, 2019

Kathryn sinipa si Anne sa pagrereyna sa Twitter; Vice Ganda top male celebrity


Hindi pa rin makabog-kabog si Vice Ganda pagdating sa Twitter. Si Vice pa rin ang number one sa social media platform na ito.

Aba, with 12.1 million follo­wers sa Twitter, mahirap ngang tibagin si Vice, ha! Kaya naman siya talaga ang nanguna sa “Top Male Celebrities on Twitter” sa first quarter ng 2019. At sumunod sa kanya si Juan Miguel Severo.

Pangatlo si Donny Pangilinan. Pang-apat si Ronnie Alonte. Pan­lima lang si Alden Richards, ha! Pang-anim si Charles Kieron (@hashtag_CK), pang-pito si Marlo Mortel. Pangwalo si Joshua Garcia. Pang-siyam si Ken Chan (bongga, ha!) at pang-sampu si Kyle Echarri.

Binase ang survey na ito mula Ja­nuary 1 hanggang March 31 ng Twitter Internal data.

“The rank is based on engagement and doesn’t show sentiment of conversation towards the individuals,” say ng Twitter Philippines.

Pagdating sa Top Female Celebrities on Twitter naman, tinalo ni Kathryn Bernardo (na may 9 million followers) si Anne Curtis (na may 1.1 million followers). Si Kathryn nga ang nanguna, at sumunod sa kanya si Loisa Andalio. At yes, pangatlo lang si Anne, ha!

Pang-apat naman si Maymay Entrata, panlima si Sue Ramirez. At pang-anim lang si Maine Mendoza (na pala­ging trending ang lahat ng ganap). Pangpito si Maris Racal, pangwalo si Sofia Andres, pang-siyam si Kisses Delavin at pang-sampu si Alex Gonzaga.

Loading...

0 comments:

Post a Comment