Saturday, April 13, 2019

Jessy Mendiola nagtatalak matapos sisihin sa mahinang kita ng movie nila ni Arjo Atayde

Photo: Google
BURADO agad ang talak ni Jessy Mendiola sa kanyang Instagram bilang sagot sa mga bashers na siya ang sinisisi sa mahinang resulta sa takilya ng movie nila ni Arjo Atayde na “Stranded.”

Lumabas ang write-up sa isang on line entertainment site.
Nakita rin namin ang screen grab ng post ni Jessy na ang katwiran eh, hindi lang naman siya ang naging bahagi ng movie.

‘Yun nga lang, tanggal agad ito at sa IG posts kahapon ng girlfriend ni Luis Manzano eh, ‘yung on-line business na niya ang nakalagay. Wala ring reaksyon si Luis kaugnay ng isyu.

Eh, ang ganda pa naman ng feedbacks sa pelikula nila ni Arjo na idinirek ni Ice Idanan. Pati nga ang acting ni Jessy sa movie ay napuri ng mga nakapanood na ng “Stranded”.

Unfair naman kasi sa aktres na sisihin siya sa mahinang resulta sa takilya ng “Stranded.” Palagi na lang ikinakabit sa pangalan niya ang pagiging “jinx” umano sa mga pelikulang ginagawa niya na sumasablay sa takilya.

Let’s be kind to Jessy. Ginagawa naman niya ang trabaho niyang bilang artista. Don’t blame her dahil hindi lang naman siya ang nagre-represent sa buong movie, huh!




Loading...

0 comments:

Post a Comment