Thursday, April 11, 2019

Jericho Rosales ayaw nang gumawa ng teleserye: Last na itong halik

Photos: Jericho Rosales Instagram
In-announce ito ng award-winning actor kanina sa farewell-thanksgiving presscon ng top-rating primetime series nilang Halik sa ABS-CBN.

Tulad ng kaibigan niyang si Piolo Pascual, ayaw nang magteleserye ni Echo, “I don’t wanna do soaps anymore, and it is not a problem for me.

“Do I want to stop TV? No. It’s time for me to challenge myself to create something new for myself. Hopefully, it works,” paliwanag ng aktor.

Pero agad namang nilinaw ni Echo na sa soap opera lang siya magpapahinga kaya huling serye na niya ang Halik na dalawang linggo na lang mapapanood sa ere.

Mas gusto na niyang mag-concentrate sa paggawa ng mga pelikula at digital content para sa iWant TV.

Type rin niyang maging scriptwriter, producer at director kaya balak niya uling mag-aral.
Ayon kay Echo, kino-consider niya ang Halik bilang most challenging at remarkable project niya, “After ‘Pangako Sa ‘Yo,’ ito ‘yung talagang tumatak ulit. Twenty years later, we have a show that is so memorable so I am just grateful.”

Abangan ang susunod pang mga pasabog ng Halik after The General’s Daughter sa ABS-CBN Primetime Bida.



Loading...

0 comments:

Post a Comment