Ikinagulat ng debotong si Merceditas Jose nang makita niya ang mukha ng kanilang imahen ng Itim na Nazareno noong Linggo.
"Nakita ko siyang duguan ang noo niya. Talagang para akong lukaret, maloloka ako dahil hindi ko ine-expect na ganun makikita lo sa mukha niya," ani Jose.
Iginagalang naman ng Simbahang Katolika ang pinaniniwala ng mga deboto. Pero paliwanag ng Simbahan, bago ituring at mapatunayang milagro, kailangan itong dumaan sa malalim at mahaba-habang pag-aaral o imbestigasyon.
Para sa mga deboto, ang mahalaga sa kanila’y napapatibay at napapalalim nito ang kanilang debosyon.
Sa tingin niyo totoo nga ba na ang imahe ng Poong itim na Nazareno ay dumudugo ang mukha? Kayo na ang humusga.
Loading...
0 comments:
Post a Comment