Monday, April 15, 2019

Gretchen Barretto shuts down netizen calling her "kabit"


Hindi nagpatinag si Gretchen Barretto sa isang netizen na binatikos ang pagpapakita ng aktres ng kanyang marangyang walk-in closet.

Noong April 9, sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories, nag-video si Gretchen ng kanyang walk-in closet na sakop ang dalawang kuwarto sa kanyang bahay.

Makikita roon ang collection niya ng mga clothes, shoes, at bags.
Isang netizen ang pumuna na hindi raw sariling pera ni Gretchen ang ipinambili ng mga iyon, kundi mula raw sa longtime partner ng aktres na si Tonyboy Cojuangco.

Legally married pa rin si Tonyboy sa dating equestrienne na si Denise Yabut-Cojuangco.
Batikos ng netizen kay Gretchen: "materialistic talaga si @gretchenbarretto kahit puro ginto ang buong bahay mo di mo pa rin pera ang pinangbili mo kabit @gretchenbarretto hay naku maluho ka talaga."

Dahil naka-tag si Gretchen, agad niyang sinagot ang kritisismo sa kanya.

Buwelta ni Gretchen: "ONE THING IS FOR CERTAIN, i may be called a Mistress/ kabit etc BUT I WILL NEVER DREAM OF TRADING PLACES WITH ANY BASHER FOR THE SIMPLE REASON THAT YOU ARE ENVIOUS& Bitter [heart emoji] "the fact that ypu have time to waste on viewing my posts and bshing only means you are utterly disgusted with how your life id [heart emoji]"




Loading...

0 comments:

Post a Comment