Tuesday, April 9, 2019

Bata na kinakantahan ang kanyang lola noong buhay pa, ngayong namayapa na ang kanyang lola kinakantahan parin niya ito sa burol


Bata at lola na kung saan makikita sa isang bidyo na habang kumakanta ang bata at tila parang coach naman ang kanyang lola habang nasa ospital sila.

Makikita sa unang bidyo na tila may karamdaman na ang kanyang lola kaya't sila ay nasa ospital, pero sa kabila ng nararamdaman ng kanyang lola, nagagawa pa rin niyang laruin ang kanyang apo.

Marami ang naantig sa post na 'yon, ngunit ang masakit ay makikita sa kabilang bidyo na kung saan bumigay na ang kanyang lola.

'Di na kinaya ng kanyang lola ang sakit na nararamdaman, kaya't makikita sa kabilang bidyo ang burol ng kanyang lola na kung saan nakatung-tong ang bata sa isang silya habang inaawitan niya ang kanyang lola na namayapa na.

Simula nung i-post ito ni Kenneth Ferreras, lahat ng netizens na nakakita nito ay talaga namang nadurog ang puso dahil sa lubos na pagka-awa sa apo ng lola na namayapa.

Marami sa ating mga kabataan ngayon ang nagiging pasaway na, ngunit marami rin sa mga kabataan ang mga lumaki sa kanilang mga lola at lolo na masunurin.

Kaya't aral ito sa mga kabataan jaan na hangga't buhay pa ang ating mga lola pati na rin ang ating mga lolo, sila dapat ay mahalin, dahil hindi habang buhay kasama natin sila.

Silipin ang bidyong talaga namang nakakadurog ng puso, RIP lola!


Loading...

0 comments:

Post a Comment