Friday, April 12, 2019

Awra Briguela, napagtapos ang kaniyang ama sa kolehiyo

Photos: Awra Briguela
Nalaman kamakaylan lang na si Awra Briguela, napagtapos ang kaniyang ama sa kolehiyo.
Pinag-uusapan ngayon sa social media ang aktor na si Awra Briguela. Ito ay matapos niyang mapag-aral at mapa-graduate ang kaniyang ama.

Nagbigay naman ng isang sweet na mensahe si Awra tungkol dito.
Hindi maitago ng ama ni Awra Briguela ang labis na kasiyahan nang sa wakas ay maisuot niya na ang toga at mahawakan ang diploma sa kolehiyo. 

Bagama’t baliktad diumano ang nangyari, ipinahayag pa rin ni Awra sa social media ang kaniyang saya dahil natupad na ang pangarap ng kaniyang ama. 

Ayon sa dating “Ang Probinsyano” actor, magsisilbing inspirasyon si Oneal para sa kanilang magkakapatid na makapagtapos din ng kolehiyo. “Congrats papa! So proud of you!! Sabi nga nila “it’s better than late, than never,” saad niya. “Kaming lahat nang anak mo sobrang saludo sayo! Kase pinakita mo samen kung gaano kahalaga ang pag aaral! I love you papa!! Congrats ulet!” dagdag pa ng kwelang aktor.

Si Awra Briguela ay isang aktor at komedyante na naging internet sensation ay napabilang sa mga bida sa “Ang Probinsyano.” Itinanghal siyang panalo sa kids edition ng ‘Your Face Sounds Familiar.” 



Loading...

0 comments:

Post a Comment