Thursday, April 11, 2019

Arci Muñoz mas feel maging babaeng Ahas kaysa sumigaw ng ‘Darnaaaa!’

Photos: Arci Munoz Instagram

Mas feel ni Arci Muñoz na gumanap na Valentina, ang babaeng ahas, kesa lumunok ng bato ay sumigaw ng “Darnaaaa!!!”

Sa press preview ng bagong digital series ni Arci sa iWant, ang comedy-fantasy na John En Martian katambal ang komedyanteng si Pepe Herrera, marami ang nagsabi na pwedeng-pwede rin siya bilang kapalit ni Liza Soberano sa bagong movie version ng Darna.

In fairness, habang pinanonood namin ang John En Martian, naisip din namin na pasado rin ang aktres na mag-Darna dahil bukod sa seksi na ay may acting din si Arci plus the fact na kering-keri rin niya ang mag-action.

“Naniniwala ako na magagawa pa ni Liza ‘yung Darna. Kung papipiliin ako kung sino ang gusto kong Darna, huwag ako. Huwag ako kasi malaki ‘yung space na kailangan kong punuan. So ang makakagawa niyan, Liza or Ate Angel (Locsin). Gusto ko Valentina,” aniya sa isang panaya

Samantala, inuulan ng blessings ngayon si Arci dahil bukod sa maganda ang resulta sa takilya ng pelikula nila ni JM de Guzman na “Last Fool Show”, heto’t may bago na naman siyang project, ito ngang original iWant series na John En Martian na mapapanood na sa April 14, Sunday. Bukod pa yan sa upcoming teleserye niya sa ABS-CBN.




Loading...

0 comments:

Post a Comment