Saturday, April 20, 2019

Angelica Panganiban Muntik ng mamatay sa aksidente sa Japan


Ibinahagi ng aktres ni si Angelica Panganiban ang nakakatakot niyang karanasan habang nagbabakasyon sa Japan.

Naaksidente kasi ang aktres habang nakasakay sa taxi kaya nabukulan at nanakit ang kanyang batok pagkatapos mawalan ng kontrol ang driver kaya nagpaikut-ikot sila sa freeway habang papuntang airport. Okay naman daw siya at no need for medical attention.

Nalaman ito ng mga netizen pagkatapos ibahagi ni Angelica ang kanyang karanasan sa kanyang Twitter account.

Isang netizen ang nagtanong kay Angelica kung nakaabot siya sa kanyang flight pauwi sa Pilipinas tugon ng dalaga, "Umabot! Although umikot sa freeway yung taxi ko sa Japan."

“Masakit lang batok ko at may bukol. Pero ang importante, ligtas kami ni kuya driver. Nagtaka lang ako pinag bayad pa niya ko kahit muntik na kaming mamatay.”

Kasamang nagbakasyon ni Angelica sa Japan si Maxene Magalona kasama ang asawa nitong si Rob Mananquil.

Loading...

0 comments:

Post a Comment