Friday, April 5, 2019

Anak, hinimatay sa sama ng loob nang muling makita ang inang pinabayaan sila, hinimatay nang muli silang magkita

Screenshots from Raffy tulfo in Action
Isang anak ang dumulog sa Raffy Tulfo in Action upang makausap ang ina na kailanma'y naging pabaya sa kanila.

Nais ng bata na mabuo ang pamilya nila, pero dahil matigas din ang nanay, nagkasagutan sila sa Tulfo. Sa sobrang sama ng loob ng anak, hinimatay ito sa muli nilang pagkikita.

Isang anak ang dumulog sa Tulfo in Action dahil nais niyang makausap ang ina, umuwi ito at mabuo muli ang kanilang pamilya.

Nalaman ng KAMI na 4-taong gulang pa lamang si Malyn Tan ay iniwan na siya ng kanyang ina Na si Joylin.

Ngayong 16-anyos na siya, nais niyang mabuo lang ang pamilya nila. Ayon kay Malyn, nakauwi pa sa kanila si Joylin pero dalawang buwan lang daw iyon at umalis naman kaagad.

Umuwi raw ito dahil may sakit, at nang gumaling ay umalis ulit, kung kaya't di na naiintindihan ng anak kung bakit.

Sinabi pa ni Malyn na hindi raw sila mahal ng ina at sinabihan pa nga siyang, "Pinagsabihan niya ako na kaya niya akong itakwil eh... sana daw po pinalaglag niya na lang ako nung bata ako..."

May lalake raw ang nanay niya dahil pati mga kapatid nito ay hindi rin siya kinukunsinte. Dumating sa puntong sinabi na ni Tulfo kay Joylin na pinangangaralan na siya ng anak niya.

Doon, inilabas ni Malyn sa ina ang lahat ng sama ng loob. Sabi niya, "Chinachat ko sayo di ba, di ko kailangan ng pera, kailangan ko pagmamahal ng isang ina!" Sa sobrang sama ng loob, at sa kaiiyak, hinimatay si Malyn.

Silipin sa bidyong ito ang nakakaawang reaksyon ng kanyang anak habang nakikiusap sa kanyang ina at para sa karagdagang impormasyon!


Loading...

0 comments:

Post a Comment