Thursday, April 4, 2019

6 anyos na bata, sinugod sa ospital ang sisiw na nasagasaan niya gamit ang bisikleta

Screenshots from Sanga Says
Kamakaylan lang ay nag-viral ang post patungkol sa inosenteng batang lalaki na isinugod sa ospital ang sisiw na kanyang nasagasaan gamit ang bisikleta.

Bukod pa rito, dinala niya ang kanya mismong pera pambayad daw niya sa ospital. Natuwa ang mga netizens na pinagkaguluhan ang viral post na ito.

Halo-halong emosyon ang naramdaman ng mga netizens na nakakita sa viral na larawan ng isang batang lalaking may hawak na sisiw at pera.

Ayon sa Inquirer. net, nakilala ang batang lalaki na si Derek C. Lalchhanhima mula sa Sairang, India. Habang nagbibisikleta si Derek, nasagasaan daw umano nito ang sisiw.

Sa takot na mamatay nga ito, dinala niya ito sa kanilang bahay at pinilit ang mga magulang na dalhin ang sisiw sa ospital.

Loading...

0 comments:

Post a Comment