Monday, April 15, 2019

12 anyos na bata, pinatay ang isang buntis at anak nito dahil sa P100


Umamin ang kapitbahay na 12 taong gulang sa pagpatay sa mag-ina. Ginawa raw ng bata ang krimen matapos nakawan ang mga biktima ng P100.

Mayroon ng umamin sa brutal na pagpaslang sa isang buntis na nagngangalang KC Montemayor at sa 4-anyos na anak nito na si Chelsea Jade sa Lubao, Pampanga.

Sa report ng Philippine Daily Inquirer (iniulat ni Tonette Orejas), pinatay daw ng bata ang mag-ina matapos itong magnakaw ng P100 mula sa bahay ng mga biktima. Kapitbahay ng mga biktima ang menor de edad na suspek.

May mga dugo ang suot na shorts ng suspek at meron ding mga sugat sa kanyang kamay. Mayroon ding lalakeng witness na nagsabing nakita niya ang 12-anyos na bata na itinapon nito ang isang kutsilyo at ang shirt nitong puno rin ng dugo.

Kasama ng bata ang mga magulang nito nang umamin siya sa isang social worker sa pagpatay sa mag-ina.

Loading...

0 comments:

Post a Comment