Sunday, April 14, 2019

1 buwang bill sa tubig ng isang pamilya, umabot sa mahigit 90k

Photo: 24 Oras
Ang pag-uusap sa pagitan ng pamilya at ng Manila Water kung paano mababayaran ng mga ito ang napakalaking bill.

Umabot sa mahigit P90,000 ang bill sa tubig ng isang pamilya na ikanagulat ng mga ito ng labis. Ang karaniwang nasa P2,000 nilang bill ay lumobo ng husto para sa buwan lang ng Disyembre 2018 hanggang Enero 2019.

Sa report ng 24 Oras, inireklamo ng pamilya ang kanilang napakalaking bill sa Sumbungan ng Bayan. Ang programa, idinulog ito sa Manila Water na nagsagawa na umano ng imbestigasyon.

Napag-alamang ang mga tubo sa bahay ng nagrereklamong pamilya ay may leak na naging sanhi ng pag-lobo ng kanilang bill.

Kailangang sumailalim sa repiping ang mga ito at sagot ito ng consumer. Ayon pa sa ulat, nagkaroon na ng pag-uusap ang pamilya at Manila Water kung paano mababayaran ng mga ito ang napakalaking bill.


Loading...

0 comments:

Post a Comment